Ako si Jhenay, Laking Tenement

Ang poster na ito ay mula sa Star Cinema

Magulo “daw” sa lugar namin. Maingay, maraming adik at kung ikaw “daw” ay dadayo dito, hindi ka na makakalabas ng buhay.  Binansagan nga itong pangalawang Tondo eh. Talamak “daw” kasi ang paggamit at pagbebenta ng droga. Nakakatakot di’ba?

Tandang-tanda ko ang bawat pagsakay ko sa taxi. Sa tuwing sinasabi ko sa drayber na ihatid ako sa amin ay tila ba nagpapalusot nalang ang mga ito para hindi ako maisakay. Madalas ganito ang sinasabi nila:

“Miss, lumipat ka nalang ng ibang taxi. Pagarahe na kasi ako eh baka hindi ako makaabot sa oras.”

O kaya naman:

“Mahirap na pumasok dyan sa lugar nyo, baka holdapin lang ako. Hindi ba’t malapit lang kayo sa Maharlika?”

At heto pa:

“Wala akong makukuhang pasahero pabalik, mag-abang ka nalang ulit ng ibang masasakyan. Malulugi kasi ako eh.”

Alam ko naman na nagdadahilan lang sila upang hindi sila mapadpad sa lugar namin. Hindi kasi maganda ang imahe na nabuo dito. In short, natatakot sila! Aminado naman ako na lahat ng “daw” na sinasabi nila ay nasaksihan ko mismong nangyari pero hindi pa rin makatarungan para sa akin na mabansagan ng ganun ang Tenement. Sa kahit saang lugar naman kasi ay may nangyayaring kaguluhan. Minsan nga kahit sa isang gwardyadong subdivision ay may mababalitaan ka pa ring krimen. Marahil ay naging mapanghusga lamang ang ibang mga tao. Ang tanging tinitignan nila ay ang masasamang pangyayari, kinalimutan nila ang mga kabutihang dala ng aming lugar. Para sa akin kasi mali ang manghusga lalo na kung hindi mo pa naman ito nakikita. Ganyan man ang tingin ng marami sa Tenement ay hindi ito nangangahulugang hindi ko na ito kayang ipagmalaki.

Panahon pa ni dating Pangulong Diosdado Macapagal nang itayo ang gusali ng Tenement. Kung titignan mo nga ito ay talagang lumang luma na. Mayroon itong pitong palapag at halos pitong-daang pamilya ang naninirahan dito. Iba’t ibang klase ng tao ang makakasalubong mo. Sa umaga asahan mong may maririnig kang sigawan o kaya naman minsan ay nagbabatuhan ng pinggan na animo’y nagsosolian na ng kandila. Marami ring bata ang nagtatakbuhan sa bawat rampa ng palapag. Para ngang sine ang lugar namin eh, may drama, comedy, horror at ang pinakamatindi sa lahat ay ang “action.” Oh diba, hindi mo na kailangang lumayo pa para makanood ng sine kasi andito na lahat ng eksena.

Tila nakasanayan ko na ang ganitong mga tagpo, dito na kasi ako nagka-isip. Minsan nga ako pa ang bida sa inaakala kong eksena sa pelikula. Pero kahit ganito ang lugar namin ay masaya kami. Marami kaming kaibigan at napakarami naming mga kapitbahay na pwedeng takbuhan. Sa totoo lang, maraming mababait na tao dito. Madalas kaming nagdadamayan kapag may unos na dumarating. Kapag may lamay nga dito ay imbitado ang lahat. Hindi mo na poproblemahin kung sino ang magpupuyat sa gabi para magbantay. Lalo na kapag may birthday, binyagan, kasalan o kahit anong okasyon na may handaan, asahan mong isang baranggay ang darating. Paano ba naman habang nagluluto ka palang amoy na amoy na ng kapitbahay ang niluluto mo dahil magkakadikit lang ang mga pinto. Dito mo lang din mararanasan na para bang isa kang artista sa sobrang dami ng bumabati sa’yo. Sa sobrang dami nga nila mapapagod ka nalang sa pagkaway. Para na kasi kaming isang malaking pamilya dito. “The more, the merrier” ika nga nila.

Maipagmamalaki ko rin na dito nagmula ang mga komedyanteng sina Michael V. At Bayani Agbayani (sabi ko sa inyo eh, masaya talaga dito sa amin). Paminsan minsan ay makikita mo pa ring dumadalaw sila dito.

Sino ba naman ang makakalimot sa pelikulang T2 (Tenement 2) ng Star Cinema, yung si Maricel Soriano at Derek Ramsay ang bida? Dito shinooting yun, marami kasing puno ng Balete dito. Perfect set ito para sa isang horror movie, kaya nga naging blockbuster hit  yun eh, pasalamat nalang sila sa Tenement!

Maraming mga kabataan dito ang nagtapos bilang doctor, abugado, guro o kaya naman ay naging pulitiko. Umasenso man sila sa buhat ay patuloy pa rin silang bumabalik.

Kilala rin sa aming lugar ang Pandesal sa Bakery ni Aling Venus. Isipin mo lahat na ng bilihin ay tumaas pero ang Pandesal nya ay piso pa rin. Saktong isang subuan ang laki nito, sakto lang din sa pisong binayad mo.

Masarap ang mga pagkaing kalye dito. Ang Siomai ni Aling Gloria, ang Ihaw-ihaw na Paa ng Manok ni Manong Anton na sobrang lambot (falls off the bone), Ang Samalamig ni Ate Gina at ang pinakamasarap sa lahat, ang Piniritong Isaw ni Kuya Tony (dahil na din siguro sa sukang sawsawan, ang sarap kasi ng timpla nya)!

Isa pang maipagmamalaki ko ay ang suporta ng buong residente sa tuwing may patimpalak na sasalihan ang isa. Asahan mo may instant fans club ka. Hakot kasi kami palagi lalo na sa mga beauty pageant at dance contest! Panalong panalo na ang pambato namin kung Audience Impact lang ang pag-uusapan.

Walang kapantay ang saya dito!

**********

Kamakailan lang ay nag-anunsiyo ang Lokal na Pamahalaan ng Taguig na kailangan na daw lisanin ang gusaling ito. Condemned na daw kasi, hindi na nya kakayanin ang isang malakas na lindol. Maaari rin daw na bigla nalang itong bumigay, marami na kasing nakikitang mga lamat sa bawat pader ng palapag dahil sa kalumaan. Delikado na para sa mga residente. Kaysa naman daw marami ang madisgrasya, mas mabuti nalang daw na ilipat kaming lahat sa isang relocation.

Nakakalungkot isispin na bilang na ang mga araw na ilalagi ko dito, lahat kasi ng magandang ala-ala ay dito nabuo. Ang pagakayat namin sa 7th floor ng mga kalaro ko upang makita lamang ang paglanding at pagtake-off ng eroplano. Ang pagpila namin sa ibaba upang mag-igib ng tubig. Ang malalakas na sigawan at tilian, ang mga tambay, ang mga tsismosa at ang mga siga. Sila ang mamimiss ko dito, sila ang mga totoong tao na kailanma’y maaasahan ko.

Lisanin ko man ang Tenement ay siguradong hindi ko kailanman ito malilimutan. Nakaukit na kasi ang lugar na ito sa puso at pagkatao ko.


Ang sanaysay na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 4


SPONSORS:







Kahit Ako'y Makalawang Na

Hindi dahil sa kinakalawang na ang isang bagay ay hindi na ito mapapakinabangan, minsan ay patuloy pa rin itong aandar upang maihatid lamang tayo sa ating paroroonan.

Ganun din tayong mga tao, minsan ay may makakasalubong tayong mga pagsubok sa daan ngunit hindi ito nangangahulugang hindi na natin mararating ang nais nating puntahan.





Ang larawang ito ay  lahok sa Saranggola Blog Awards 4.

Pamagat: "Kahit Ako'y Makalawang Na"
Lugar kung saan kinunan ang larawan: Infanta, Quezon
Petsa: April 2010
Kategorya: Photoblog - Postcard



SPONSORS:









Luzon, Visayas at Mindanao


Labing-limang  taong gulang lamang si Hannah nang madestino ang kanyang amang si Mang Romeo sa Cebu. Sa isang Recruitment Agency sa Maynila nagtatrabaho ang kanyang ama. At dahil dalawang beses na itong pinarangalan bilang pinakamagaling na empleyado, sya ang napiling umasikaso sa bagong sangay ng kumpanya sa Visayas. Kinakailangang lumipat ng buong pamilya roon.

“ Mahal, napromote ako!”  masayang balita ni Mang Romeo sa pamilya pag-uwi nito galing trabaho.

“Talaga! Mahal, masaya ako para sayo.” tugon ni Aling Ester, ang kanyang asawa.

“ Sa darating na weekend pupunta tayo sa Mall, kakain tayo sa labas at mamimili na rin ng mga gamit na dadalin natin sa Cebu."

“Bakit, anong gagawin natin sa Cebu?” nagtatakang tanong ng asawa.

“Doon kasi ako madedestino. Ako na ang mangangasiwa sa bagong branch nila Sir Villanueva kaya doon na tayo maninirahan.” Tugon ni Mang Romeo.

“Ganoon ba, pero paano ang pag-aaral ni Hannah? Nasa kalagitnaan palang sila ng School year.”

“Pwede naman syang magtransfer. 3rd year High School palang naman sya. Wala na tayong poproblemahin kasi may kasamang pabahay ang pagpromote sa akin.”

Tinawag ng mag-asawa ang kanilang anak habang gumagawa ito ng assignment sa kanilang sala.

 “Lilipat na tayo sa Cebu anak. Doon na kasi magtatrabaho ang Papa.”  wika ng kanyang ama.

“Papaano po ang schooling ko? Hanggang kailan po tayo doon?” nakatungong tanong ni Hannah.

“Anak, doon na tayo titira. Kinakailangan nating umalis dahil andun na ang trabaho ko.”

Hindi nalang umimik si Hannah. Alam nya kasing desidido na ang ama at wala na syang magagawa kundi ang sumunod na lamang. Pero ramdam nya ang lungkot sa binalitang iyon ng kanyang mga magulang.
  
*****

Tatlong araw bago sila lumipad patungong Cebu ay pinaalam na ni Aling Ester sa ekwelahan ang paglipat nila.

“Sayang naman po Misis, magaling pa naman si Hannah. Ang dami nyang kaibigan dito, sigurado akong malulungkot silang lahat.” sambit ng guro ni Hannah.

“Oo nga po, pero kailangan talaga na lumipat kami. Kailangan ko pong suportahan ang asawa ko sa trabaho nya. Hindi nya daw kaya na malayo kami sa kanya at ganun din kami sa kanya kaya pumayag din  ako kaagad. Maraming salamat po sa pag-aasikaso kay Hannah.” sabi ni Aling Ester.

 “Mag-iingat ka doon Bestfriend ha, sana hindi mo ako kalimutan.” Umiiyak na sabi ni Carla.

“Oo bestfriend, tatawagan kita. Ito oh, bumili kami ng friendship bracelet ni Mama, ibigay ko daw to sa’yo ‘tong isa. Habang suot pa natin ito ibig sabihin magbestfriend pa din tayo. Promise,dadalawin kita dito kapag marunong na akong sumakay ng eroplano mag-isa.” wika ni Hannah na tumutulo na rin ang luha habang nagsasalita.

“Magkikita ulit tayo ha. Ikaw lang ang bestfriend ko hanggang tumanda ako. Tawagan mo ako palagi.” sagot ni Carla habang inaabot kay Hannah ang pabaon niyang litrato.

Kuha nila itong dalawa sa isang program sa School.

“Ilagay mo yan sa kwarto mo para di mo rin ako makalimutan.”

Niyakap nya ng mahigpit ang bestfriend. Isang yakap na mahigpit na animo’y ayaw nang maghiwalay.

Nagpaalam na si Hannah sa buong klase. Tila nabalot ng lungkot ang kanilang silid dahil sa kalungkutang nararamdaman ng mga kaklase nya. Pagkatapos magpasalamat at magpaalam ay tumalikod na ang mag-ina. Hanggang makauwi sila ay lumuluha pa rin si Hannah, alam ni Aling Ester na mabigat ang loob ng kanyang anak sa pagpapaalam.

*****

Tatlong araw ang nakalipas.

Sumakay na ang mag-anak ng eroplano. Matamlay pa din si Hannah. Unti-unting tumulo ang luha nya habang nakikita ang mga tanawin mula sa bintana ng sinasakyan. Nakita nya ang maliliit na mga gusali, ang mga bundok at dagat mula sa itaas. Mas lalo syang nalungkot nang nakikita nya na papalayo na sila ng papalayo.

Nang makarating na ng Cebu ay tumuloy na sila sa bahay na pag-aari rin ng kumpanya. Pagkatapos mag-ayos ay sinimulan na nilang mamasyal para maging pamilyar sila sa lugar. Una nilang pinuntahan ay ang Simbahan kung saan nakalagak ang  Magellan’s Cross. Pinuntahan din nila ang Taoist Temple pati ang Mactan Shrine. Kahit papaano ay sumaya na si Hannah. Manghang mangha sya sa lugar at sinambit nya na maganda pala ang Cebu.

Nang makauwi na sila mula sa pamamasyal ay dali-dali nyang tinawagan si Carla. Wala pa kasing Facebook noon at hindi pa uso ang internet kaya mahirap ang komunikasyon.

“Carla, andito na kami sa Cebu. Maganda pala dito ang daming mapapasyalan, sana andito ka kasama ko.” Sabik na kwento ni Hannah sa bestfriend nya.

“Alam mo kanina sa School tulala lang ako, wala na kasi akong katabi. Noong breaktime wala na akong makasabay kumain. Kanina nga inasar na naman ako nila Bruce, wala nang magtatanggol sa akin.”  sumbong ni Carla na tila umiiyak sa kabilang linya.

“Huwag kanang malungkot, kaya nga kita tinawagan para maging masaya tayong dalawa. Ayang si Bruce naku pagnapadpad ulit ako dyan sa Maynila ay titirisin ko sya na parang kuto para hindi ka na nya asarin. Tatawagan kita palagi para hindi mo ako makalimutan.”

“Hindi naman talaga kita kakalimutan, diba nga bestfriend kita.”

“Oh sige na, kailangan ko nang ibaba ang telepono, Long Distance kasi ito, mahal daw sabi ni Papa. Tatawagan kita ulit ha. Namimiss na kita bestfriend. Masaya ako na narinig ko ulit ang boses mo..”  wika ni Hannah sabay baba ng telepono.

*****

Unang araw ni Hannah sa pagpasok sa paaralan. Nahirapan syang intindihin ang sinasabi ng mga kaklase.  May mga oras ngang tahimik lang sya at tila wala sa sarili.

Hindi nagtagal ay may naging kaibigan din sya.

Isang araw ng kumakain sila ay may lumapit sa kanilang isang lalaki. Matangkad, maputi at gwapo ang binata.

 “Gusto ko sanang magpakilala dyan sa kasama nyo, kumusta ka magandang binibini, ano bang pangalan mo?” nakangiting sabi ni Jonas.

Hindi alam ni Hannah kung maaasar sya sa lalaki dahil pinagtitinginan na sila sa canteen.

“Uy, may gusto ata sayo.” biro ni Grace.

“ Tara na nga girls. Lipat na tayo ng ibang upuan.” Sambit ni Hannah sa mga kasama.

Hindi nya pinansin ang binata. Dali-dali nalang silang umalis. Naghiyawan ang iba pang estudyante na kumakain. Tila binibiro nila si Jonas.

*****

Nang makauwi na si Hannah sa kanilang bahay ay nilapitan nya ang telepono, di-nial nya ulit ang numero ni Carla. Balak nya kasing ikwento ang nangyari.

846-3286. Pagkadial ay may voice prompt syang narinig “The telephone number you dial is not in service at this time.”

“Naputulan ata sila Carla ng telepono. Dibale susubukan ko nalang ulit sa mga susunod na araw.”

*****

Dalawang buwan na ang nakalipas, palagi nya pa ring tinatawagan ang numero nila Carla ngunit ang voice prompt pa rin ang naririnig nya.

Sa tuwing pumapasok sya ng eskwelahan ay sumusunod sa kanya si Jonas. At sa tuwing kakain na sila sa Canteen ay palagi rin syang niyayaya ng binata. Hindi nya pa rin pinapansin ito, tila wala syang pakialam sa panunuyo nit Jonas.

Isang araw ay may activity sa kanilang eskuwela. Isang Quiz Bee na pagsasamahin ang mga kalahok ng bawat section para maging isang team. Kasali pareho si Hannah at Jonas, walang nagawa ang dalaga kundi makihalubilo na rin sa pagrereview. Kailangan kasi nilang manalo para maexempt sila sa 3rd Grading Finals.

Unti-unting naging malapit ang dalawa. Napansin na din sa wakas ng dalaga ang panunuyo ni Jonas sa kanya. Tuwing nagrereview sila ay si Jonas ang nagtuturo sa kanya ng Math, at tuwing breaktime naman ay palagi syang binibigyan ng pagkain nito. Sabay na silang kumain sa canteen. Kapag uwian ay ihahatid sya nito sa sakayan na bitbit ang mabigat nyang bag. Tila nahuhulog na si Hannah sa kabaitan ng binata. Hindi nagtagal ay pumayag na syang magpaligaw kay Jonas. Naniniwala si Hannah na magandang impluwensya sa kanya si Jonas.

*****

Maraming buwan na ang nagdaan ay bigla nyang naalala na subukan uling tawagan si Carla. Laking gulat nya na iba na ang voice prompt “The telephone number you dial is not yet in service.” Inisip nya na tuluyan nang mawawala ang komunikasyon nila ng bestfriend nya.

*****
Pinakilala ni Hannah ang manliligaw sa kanyang magulang. Maganda ang pagtanggap nila sa binata at binilin nilang gawin munang inspirasyon ang isa’t isa upang makapag-tapos ng pag-aaral. Nangako naman ang dalawa na magtatapos muna sila ng pag-aaral.

*****

Pagkalipas ng isang taon at tatlong buwan ay may ibinalita si Mang Romeo sa kanyang mag-ina.

“Mahal, anak kinausap ako ng boss ko kanina. Nakiusap sya sa akin na ako na ang mamahala sa tinatayong branch ng kumpanya sa Davao. Katulad dati ay kailangan na naman nating lumipat, lahat tayo sa Mindanao.” marahang sabi ni Mang Romeo.

“Kailan na naman tayo aalis?” tanong ng kanyang asawa.

“Sa loob ng dalawang lingo ay kailangan na nating lumipat doon.”

Hindi kumibo si Hannah. Tila nawalan sya ng gana sa pagkain ng marinig nya iyon. Dali-dali syang umalis papuntang kwarto. Sinundan sya ng kanyang ina at kinausap.

“Anak, sana intindihin mo ang Papa mo, ginagawa nya lang naman ang trabaho nya. Gusto nya na maging maganda ang buhay natin. Ayaw nyang mapalayo tayo sa kanya kaya palagi nya tayong sinasama sa bawat byahe nya.” paliwanag ni Aling Ester sa anak.

“Pero Mama ang hirap eh, nangyari na to dati. Iniwan ko ang bestfriend ko, ang Maynila para suportahan ang Papa. Hindi po madaling mag-adjust. Bakit kailangan nalang na pumayag syang mapalipat ng ibang lugar. Wala na po ba tayong permanenteng lugar na titirahan? Palagi nalang po ba na kailangan nating lisanin ang bawat bayang pinupuntahan natin? Bakit kailangan pong palagi nalang akong magpaalam sa mga taong mahal ko? Mama masakit po, kung kelan sobrang mahal ko na sila at ang lugar na ito eh tsaka naman po tayo lilipat. Talaga po bang kailangan nating libutin ang Luzon, Visayas at Mindanao?”  katuwiran ni Hannah habang umiiyak.

“Alam mo anak hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, maski kami ng Papa mo ay may mga naging kaibigan na rin dito. Pero kailangan nating umalis para suportahan ang Papa mo dahil tayo ang pamilya nya. Kung si Jonas ang inaalala mo kausapin natin sya, tingin ko naman maiintindihan nya ang sitwasyon natin.Mag-aral muna kayong mabuti, kung para naman kayo sa isa’t isa kahit anong pagsubok ay makakayanan nyo. Kahit saan man kayo mapadpad ay magkikita at magkikita rin kayong dalawa.”

Umiling nalang si Hannah at sinabing matutulog na sya.


*****

Kinabukasan ay ibinalita nya agad kay Jonas ang planong paglipat ng pamilya.

Nalungkot ang binata ngunit gaya ni Hannah ay alam nyang wala syang magagawa kundi ang maghintay.

“Huwag ka mag-alala, mag-aral tayong mabuti. Sa araw ng iyong Graduation sa College bigla mo nalang akong makikitang pumapalakpak sa harap ng stage.” Pabirong sabi ni Jonas.

“Ikaw talaga nagbibiro kapa, ayan na nga magkakahiwalay na tayo. Ilang araw nalang magpapaalam na ako sa.”

“Tandaan mo Hannah, hindi lahat ng pagpapaalam ay katapusan. Pwedeng ang pagpapaalam ay simula ng isang magandang bagay. Magandang oportunidad para sa’yo at sa pamilya mo. Doon kana magcocollege, makakapag focus ka. Mga bata pa kasi tayo kaya wala pa tayong maipagmamalaki. Mag-aral kang mabuti at ako din tatapusin ko para pag dinalaw kita sa Davao ay maipagmamalaki na natin ang isa’t-isa sa kanila. Huwag kanang malungkot, pangako magkikita pa din tayo.”  wika ni Jonas na may lungkot ang mga mata.

“Ganyan din ang sinabi sa akin ng bestfriend ko sa Maynila. Tignan mo ngayon wala na kaming communication.” tugon ni Hannah.

“Magtiwala ka lang sa akin. Sa araw ng pag-alis mo hindi na ako magpapakita ha. Ayaw ko kasing makita na lumuluha ka. Gusto ko panatag ang damdamin mo sa pag-alis mo.” sabi ng binata.

“Ako rin, hindi ko rin ata kayang makita ang sarili ko papalayo sa’yo. Basta kapag nandoon na kami tatawagan kita ha para maibigay ang numero namin doon sa Davao.  Mag-iingat ka lagi.”  malungkot na sabi ni Hannah.

“Patutunayan ko kung gaano kita kamahal, maghihintay ako.” ang huling nabanggit ni Jonas.

*****

Dumating na ang araw ng paglipat ng mag-anak, gaya nga ng sabi ng binata ay hindi na sya nagpakita. 

Nakamasid lamang sya mula sa kanto habang papasakay papuntang airport sila Hannah. Bigla syang napaiyak. Nasasaktan sya sa pag-alis ng dalaga.
   
*****

Tila naulit na naman ang nangyari noong pagsakay nila sa eroplano. Habang nakatanaw si Hannah mula sa bintana ay pabilis naman ng pabilis ang pagtulo ng luha nya. Nakikita na naman na papalayo at papalayo na sya sa bayan ng Cebu.

Isang oras lang ay nasa Davao na sila. Pagdating nila roon ay tinreat silang mag-anak ng may-ari ng kumpanya. Nagtour sila sa Pearl Farm, isa sa pinakamagandang beach sa Pilipinas at sa taniman ng mga saging kung saan ay part-owner din ang boss ng Papa ni Hannah. Malaki ang Davao, sagana sa likas na yaman.

Pagdating sa bahay na titirahan nila ay agad nyang hinanap ang telepono. I-dinial ang number ni Jonas ngunit wala raw si Jonas doon. Araw araw nyang sinubukan na kontakin ang binata ngunit hindi na nya ito mahanap.

Hindi sya pumalya na kontakin ang binata, umaasa sya na isang araw ay makokontak niya rin ito. Naalala nya ang sabi ni Jonas na magtiwala lang sya.

*****

Nag-enroll sa kursong Education si Hannah, bata palang kasi sya ay gusto na nyang maging guro.

Pinagtuunan nya ng pansin ang pag-aaral, may mga naging kaibigan din sya ngunit pinili nya na huwag ng magkaroon ng malalim ng kaugnayan sa kanila sapagkat alam nya na darating na naman ang araw na lilipat muli sila ng ibang lugar. Pagod na syang masaktan.

Naging magaling syang estudyante sa Kolehiyo. Naging Dean’s Lister pa nga sya sa maraming semester. Tuwang tuwa ang mga magulang nya. Binulong nya sa sarili nya:  “Ito ang gusto ni Jonas! Ang mag-aral akong mabuti.”

******

Dumating na ang araw ng Graduation ni Hannah. Umaasa sya na darating si Jonas at papalakpak sa harap ng entablado tulad ng ipinangako nya apat na taon na ang nakalipas. Masayang masaya ang mga magulang nya dahil tatanggap sya ng karangalan.

Nang tinawag na ang pangalan nya bilang Cum Laude ay may narinig syang pumalakpak mula sa gilid ng stage. Nakita nya ang isang lalakeng walang buhok, naka wheelchair at tila namumutla na. Hindi nya mamukaan ito. Pagbaba ng stage ay unti unting nagiging malinaw ang tingin nya sa lalaki, ito pala ay si Jonas!

“Anong nangyari sa’yo?” tanong niya.

Hindi na nakapagsalita ang binata.

“Apat na taon na ring may sakit ang anak ko. Nung nakilala mo sya sa Cebu ay nadiagnose na may tumor sya sa utak. Naging malakas ang anak ko sa paglaban sa sakit nya, ang sabi nga ng doctor ay dalawang taon nalang ang itatagal nya ngunit napahaba nya ito ng apat na taon. Palagi nyang sinasabi na gusto nyang umattend sa graduation mo. Hanapin ka daw naming, kaya bago pa man mag-apat na taon ay hinanap ka namin para madala ang anak ko dito. Binilin nya rin noon na huwag sabihin sa’yo na maysakit sya kase baka madestruct ka lang daw sa pag-aaral mo.”  malungkot na kwento ng ina ni Jonas.

Niyakap ng mahigpit ni Hannah si Jonas. Ibinulong nya sa binata kung gaano nya ito kamahal.

“Maraming salamat Jonas, walang araw na hindi kita inisip. Ikaw ang naging inspirasyon ko kaya ako nagpursige sa pag-aaral. Naniniwala ako na tutuparin mo ang ipinangako mo at heto ka nga kahit mahina ka ay tinupad mo ang pangako mo. Huwag kang mag-alala, aalagaan kita. Palagi kitang sasamahan mula ngayon.”

Halos tatlong buwan pa ang itinagal ni Jonas. Sa tatlong buwan na iyon ay inalagaan sya mabuti ni Hannah upang maipakita kung gaano nya talaga kamahal ang binata. Bago ito pumanaw ay may ibinilin siya sa dalaga.

“Naaalala mo ba yung kinwento mo sa akin nung High School pa tayo, yung best friend mong si Carla. Hindi ba’t nangako ka sa kanya na dadalawin mo sya sa Maynila kapag marunong kanang sumakay sa eroplano mag-isa? Gusto ko sana na tuparin mo ang pangako mong iyon sa kanya.”  habilin ni Jonas.

*****

Pagkalibing na pagkalibing kay Jonas ay lumipad agad si Hannah sa Maynila, gaya ng ng bilin ng binata ay hinanap nya si Carla. Mula sa dati nitong bahay ay lumipat na daw ang pamilya nito sa Cavite.

Kahit na alam nyang imposible pa na mahanap nya ang kaibigan ay sinubukan pa rin nya ito. Mabuti na lamang at nagkasalubong sila ni Bruce, ang batang laging nang-aasar kay Carla noong High School. Tinanong nya kung alam nito kung saan na nakatira si Carla.

“Nasa Bacoor sila. Nademolish kase ang bahay nila noong High School palang tayo at inilipat sila sa relocation. Minsan na namin syang dinalaw doon. Mabuti nga’t nahanap namin ang lugar. Kung gusto mo sasamahan kita pero hindi ko na kabisado yung lugar na iyon, matagal na kasi yung huling punto ko doon. ” sabi ni Bruce.

“Okay lang Bruce! Maraming salamat din!" tugon ni Hannah.

Dali dali silang bumiyahe sa Bacoor.

Sa una ay tila nahihirapan silang hanapin, malaki kasi ang lugar na iyon. Ngunit para bang nararamdaman ni Hannah na may tumutulak sa kanya sa paghahanap.

“Si Jonas! Maraming Salamat sa iyo. Alam kong tinutulungan mo akong mahanap ang aking kaibigan.”

Hindi nagtagal ay nahanap din nila ang bahay nila Carla. Kumatok sila at pagkabukas ng pinto ay nakita nila agad ang hinahanap nila. Laking gulat ni Carla sa nakita.

“Hannah, akala ko hindi na tayo magkikita.” wika ni Carla sabay yakap sa kaibigan.

Suot pa din nila pareho ang Friendship bracelet. 

“Hindi ba nangako ako sa’yo na kapag marunong na akong sumakay ng eroplano mag-isa ay dadalawin kita kaya heto ako ngayon. Narating ko na nga ang Luzon, Visayas at Mindanao eh.”

“May isa ka pang pangako sa akin bestfriend, diba sabi mo noon titirisin mo si Bruce pag nakita mo sya.”

Tinignan nila pareho si Bruce at bigla silang nagtawanan.

*****

Nagiging mas makabuluhan ang paglalakbay dahil sa mga taong nakikilala natin sa daan. Sila ang mga taong huhubog at susubok sa katatagan natin bilang tao. Ang mga ala-ala nila ay uukit sa mga puso natin. Lumisan man tayo, ang mahalaga ay sa bawat paglalakbay natin ay may mabubuong isang magandang kwento.

****WAKAS****



Ang Maikling Kwento na ito ay lahok ko sa Saranggola Blog Awards 4


SPONSORS:
















A Decade of Witchcraft and Wizardry


I was in high school when the Harry Potter phenomenon started. Everyone went crazy about the series after the first book was launched. There were lots of people into Harry Potter but there were also critics of the book saying that being based on witchcraft and wizardry, the story of the boy-who-lived was essentially unacceptable and insulting to the religious faith of readers. There were parents who despised the book who actively protested against its distribution especially among school children. However, these negative publicities did not last too long though it helped make the book more attractive and intriguing to curious bibliophiles. Honestly, I was not one of the early fans of the series because as a junior in high school, I really did not have extra time to read books outside of our curriculum. It was only after high school graduation that I had the will to actually start reading book one of the series. Thanks to the gift cheque that I got as a graduation present I was able to buy the Philosopher's Stone and Chamber of Secrets. As Harry Potter was introduced in the first few pages of book one, I realized that I was off to a magical journey that unknown to us then would last more than a decade.

I was lucky to have peers that are into HP as well. I remember one of my friends, Kai, who would always be first in line to get the latest of the series. We painstakingly waited year after year for the next book to come out. Aside from the book, we also had the movies to watch out for. The farther into the series we got, the more intense the feeling of wanting to have more becomes. Every year, a book was released and so was a movie counterpart. It was already past our college graduation that the final book was released. The Deathly Hallows was the only book in the series that I bought in hard bound because I could not wait for the paperback issue anymore as the suspense of the ending was killing me already. It took a year before the paperback issue came about so it was not really a waste of money and time buying the more expensive copy.

Reading HP is exhilarating, thrilling and very fulfilling. I read the first 2 books in one sitting since they were merely an inch thick. As the series progressed, the pages of the book increased as well, adding more depth in the story and making you imagine more what it is like to be one of the magical folks. J.K. Rowling did a fantastic job with the intricate details of the story as well how the characters of the book are developed and become intertwined to produce one great story. The details were so believable that it felt like you are going through a real history book of magic. How the spells were constructed as well as how the potions were designed reflected the hard work of JKR. Indeed, her imagination is so vast that I feel no other author can ever be at par to what she had done with the HP series.
When the creation of HP movies started, the experience of reading the books became better because the existence of the actors and actresses gave the reader an idea what the character is like, giving more space for imagination. We all saw how Harry, Ron and Hermione grew up in the person of Daniel Radcliffe, Rupert Grint and Emma Watson. The fame of being in a blockbuster production brought about a big fortune to the long-standing cast members of the series. Imagine being assured of 8 epic movies by being one of the major casts in the film! If I was part of the cast, I would rather not be sick or killed or have my name tainted with malicious intrigues in between series if I want to have a continuity to my already great career. Well, there were bad publicity about Radcliffe posing nude which lingered for a while but it was not really a big blow to his role being Harry Potter. (Like hello?! Harry has to grow up normally too don't you think?).

The seventh film was for me the best of all as it was the most faithful to the book. Though I felt that it should have been longer, the essence of the story was still upheld. I loved Professor McGonagall's feat in protecting Harry Potter after he revealed himself to Snape in the great hall. I also would like to take note of her line: I've always wanted to use that spell! (after chanting "Piertotum Locomotor" which deployed the sentinels which should help protect Hogwarts). I also loved the part where the revelation about Snape was shown. I really felt that he really loved Lily Potter and was also concerned for Harry though he cannot show it. It was cruel enough for Dumbledore to outrightly say that Harry should die and Snape tried to endure that fact as much as he can. I was touched by the scene where Snape was hugging Lily tightly after Voldermort attacked her. I'm now wondering whether Snape is the real father of Harry since he brought up the similarities of their and her mother's patronuses. It was just a shame that there was not a great celebration after Voldemort vanished. Everyone was so depressed with the deaths of their folks but should they not be thankful that Harry lived and Voldemort is forever gone? Anyway, the ending was great still, seeing Harry and Ginny together with their kids as well as Ron's and Hermione's. Draco Malfoy was also shown with his son and wife. I loved it when Harry told his son that he was named after two great Hogwarts headmasters so it doesn't really matter whether he goes into Gryffindor or Slytherin...anyway the Sorting hat always considers your choice.

                It has finally come to an end. Thank you Harry Potter for the wonderful journey!

Sa Pagpatak ng Bawat Segundo

Sa mga oras na ito, mayroong taong pinagmamalaki ka.. May taong nag-iisip sa'yo. May taong pinahahalagahan ka ng todo.. May nakakamiss sa'yo.. May gustong kumausap sa'yo.. May gustong makasama ka.. May nagdadasal para hindi ka mapahamak.. May gustong humawak ng iyong mga kamay.. May gustong maging masaya ka para sa sarili mo.. May nagpapasalamat dahil isa kang biyaya mula sa Maykapal.. May gusto yumakap sa'yo.. May nagmamahal sa'yo ng lubusan.. May tumitingala sa lakas at galing mong taglay.. May nagiisip sa'yo at nakangiti siya habang laman ka ng isip nya.. Maging sandalan tuwing ika'y may problema.. May umiikot ang mundo ng dahil sa'yo. May gustong protektahan ka.. Gagawin ang lahat para sa'yo.. May gustong patawarin ka.. May gustong ring patawarin mo.. Nagpapasalamat sa pag-intindi mo.. Gustong pagtawanan ang nakaraan.. May nakakaalala sa'yo ngayon at gusto kang makasama.. Gustong malaman na walang pagiimbot ang iyong pagmamahal.. May gustong magsabi kung gaano ka nila kinakalinga.. May gustong ibahagi ang mga hangarin sa'yo.. May gustong manatili sa iyong kanlungan.. Pinapahalagahan ang iyong pagkatao.. Minamahal ka kung sino ka.. Gusto kang makasama sa araw araw.. Naalala ka sa tuwing naririnig sa radyo ang kanta.. Nagpapasalamat dahil parte ka ng buhay nya.. May nagpupuyat at iniisip ka buong magdamag.. May rason na para mabuhay.. May naniniwala na ikaw ang tinadhanang makasama.. May nakakaalala ng iyong patnubay at pagpapayo.. May nagtitiwala sa'yo..  May nangangailangan ng iyong pagtangkilik at suporta.. May nangangailangan ng iyong pananalig.. May pwedeng maiyak o matuwa sa makababasa nito.. Ganun ang buhay.. Mga oras na pinagsamahan at mga oras na winalang bahala.. Mga oras na nasayang.. Mga oras na nag-away at nagkabat.i. Tungkol ito sa kulay ng ulap.. Ang bughaw na bughaw na ulap.. Sa bulong ng hangin at ibon na sinasabi sa akin ang  awit ng iyong puso.. Sa pagpatak ng ulan.. Sa pagtatapos ng bagyo.. At sa pagsikat muli ng araw.. Sa nasaktan.. Lahat tayo ay nasasaktan.. Lahat tayo'y nasusugatan.. Ngunit kaakibat nito ay ang pangakong maari tayong bumangong muli.. Sa pagpatak ng segundo, pag-asa ang dating nito.. 

Ikaw Lang Ang Mundo Ko

Antagal ko na rin palang hindi nagsusulat ng mga bagay na tungkol sa iyo, na tungkol sa atin. Iniisip ko nga dahil siguro lahat ay nasabi ko na, masaya man o masakit na minsan ay nakakaumay na pag magsasabi pa ako ng mga bagay na alam mo naman.

Halos dalawang taon na tayong nagbobolahan, sa panahong iyon hindi lahat masaya, minsan malungkot, minsan para akong walang nararamdaman at minsan iniisip ko kung normal pa ba yun. Pero sa mga panahong iyon ikaw palagi ang nasa isip ko.Sapat na sakin ang makita kang nakangiti para mapanatag ako at isiping masaya ka pa rin sa piling ko.

Sa matagal na panahong nakasama kita ay naramdaman kong espesyal ako, na may kakayahan ako. At sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, palagi kang andyan para suportahan ako. Hindi ka kailanman pumalya na mapasaya ako sa mga oras na halos wala na akong pag-asa. 

Marami mang pagsubok tayong pagdaanan alam kong kakayanin natin itong lagpasan, Sa bawat unos na dumaan, andito pa din tayo handang lumaban.Hindi ko kailanman naisip na isuko ka dahil sa iyo pa lang naging kumpleto na ang buhay ko.

Pasensya na, sa mga panahong hindi kita maintindihan, sa mga panahong hindi kita mapasaya, sa mga panahong nakakalimot akong pasalamatan ka, sa mga panahong hindi kita pinapakinggan ngunit palagi ka pa ring andyan. Sana tandaan mo na kahit hindi ko man maiparamdam sa iyo ng madalas ay wala pa ring nagbabago. Kung pano ko pinangarap na makasama ka ay ganun pa rin ang hinihiling ng puso ko. Sana ang pagmamahal ko ay sapat na para mapatunayan kong kailanman ikaw lang ang gusto ko. Na kailanman man ay hindi kita iiwan at "ikaw lang ang mundo ko."

Kalendaryo Lang..


Kalendaryo, ano nga ba ito para sa iyo? Maaaring simple lang sya kung titingnan mo, pero may malalim na dahilan kung bakit siya inimbento. Napakahusay at saludo ako sa taong nakaisip na gumawa ng kalendaryo. Alam nyo kung bakit? Ito ang mga dahilan :
  • Hindi mo malilimutan ang kailangan mong gawin
  • Nakikita mo ang mga araw na lumipas
  • Nakikita mo ang mga buwan na ang lumipas
  • Nakikita mo ang mga taon na lumipas
  • Nagkaroon kayo ng anniversary ng mahal mo
  • Kung walang kalendaryo, walang pagdiriwang sa mundong ibabaw
  • At higit sa lahat, nagkaroon ka ng kaarawan
Maaaring tulad sya ng isang orasan. Inimbento sya at ginawa ng may dahilan. Tulad ng orasan, kaya sya nagawa at naimbento dahil may gustong iparating na mensahe ito para sa atin. Na ang bawat pagpatak ng segundo ay mahalaga, ginto. Kapares din ng kalendaryo. Nagawa upang ipaalala satin na bawat araw ay mahalaga. Na bawat araw sa mundong ito ay kailangan mong punuin ng pagmamahal ang puso mo at magpasaya ng ibang tao. Ipinapaalala ng kalendaryo na sa bawat araw, buwan, taon na lumilipas ay hindi mo pwedeng sayangin. Kung napapansin nyo ang bilis ng panahon ngayon. Hindi katulad dati na parang napakabagal at ang dami nating nagagawa sa isang araw. Hindi ko alam pero parang ganito ang pakiramdam ko. 
Sulitin ang bawat pagkakataon sa buhay na darating. Maikli lang ang buhay.