Kalendaryo Lang..


Kalendaryo, ano nga ba ito para sa iyo? Maaaring simple lang sya kung titingnan mo, pero may malalim na dahilan kung bakit siya inimbento. Napakahusay at saludo ako sa taong nakaisip na gumawa ng kalendaryo. Alam nyo kung bakit? Ito ang mga dahilan :
  • Hindi mo malilimutan ang kailangan mong gawin
  • Nakikita mo ang mga araw na lumipas
  • Nakikita mo ang mga buwan na ang lumipas
  • Nakikita mo ang mga taon na lumipas
  • Nagkaroon kayo ng anniversary ng mahal mo
  • Kung walang kalendaryo, walang pagdiriwang sa mundong ibabaw
  • At higit sa lahat, nagkaroon ka ng kaarawan
Maaaring tulad sya ng isang orasan. Inimbento sya at ginawa ng may dahilan. Tulad ng orasan, kaya sya nagawa at naimbento dahil may gustong iparating na mensahe ito para sa atin. Na ang bawat pagpatak ng segundo ay mahalaga, ginto. Kapares din ng kalendaryo. Nagawa upang ipaalala satin na bawat araw ay mahalaga. Na bawat araw sa mundong ito ay kailangan mong punuin ng pagmamahal ang puso mo at magpasaya ng ibang tao. Ipinapaalala ng kalendaryo na sa bawat araw, buwan, taon na lumilipas ay hindi mo pwedeng sayangin. Kung napapansin nyo ang bilis ng panahon ngayon. Hindi katulad dati na parang napakabagal at ang dami nating nagagawa sa isang araw. Hindi ko alam pero parang ganito ang pakiramdam ko. 
Sulitin ang bawat pagkakataon sa buhay na darating. Maikli lang ang buhay.

0 comments:

Post a Comment