Ikaw Lang Ang Mundo Ko

Antagal ko na rin palang hindi nagsusulat ng mga bagay na tungkol sa iyo, na tungkol sa atin. Iniisip ko nga dahil siguro lahat ay nasabi ko na, masaya man o masakit na minsan ay nakakaumay na pag magsasabi pa ako ng mga bagay na alam mo naman.

Halos dalawang taon na tayong nagbobolahan, sa panahong iyon hindi lahat masaya, minsan malungkot, minsan para akong walang nararamdaman at minsan iniisip ko kung normal pa ba yun. Pero sa mga panahong iyon ikaw palagi ang nasa isip ko.Sapat na sakin ang makita kang nakangiti para mapanatag ako at isiping masaya ka pa rin sa piling ko.

Sa matagal na panahong nakasama kita ay naramdaman kong espesyal ako, na may kakayahan ako. At sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob, palagi kang andyan para suportahan ako. Hindi ka kailanman pumalya na mapasaya ako sa mga oras na halos wala na akong pag-asa. 

Marami mang pagsubok tayong pagdaanan alam kong kakayanin natin itong lagpasan, Sa bawat unos na dumaan, andito pa din tayo handang lumaban.Hindi ko kailanman naisip na isuko ka dahil sa iyo pa lang naging kumpleto na ang buhay ko.

Pasensya na, sa mga panahong hindi kita maintindihan, sa mga panahong hindi kita mapasaya, sa mga panahong nakakalimot akong pasalamatan ka, sa mga panahong hindi kita pinapakinggan ngunit palagi ka pa ring andyan. Sana tandaan mo na kahit hindi ko man maiparamdam sa iyo ng madalas ay wala pa ring nagbabago. Kung pano ko pinangarap na makasama ka ay ganun pa rin ang hinihiling ng puso ko. Sana ang pagmamahal ko ay sapat na para mapatunayan kong kailanman ikaw lang ang gusto ko. Na kailanman man ay hindi kita iiwan at "ikaw lang ang mundo ko."

Kalendaryo Lang..


Kalendaryo, ano nga ba ito para sa iyo? Maaaring simple lang sya kung titingnan mo, pero may malalim na dahilan kung bakit siya inimbento. Napakahusay at saludo ako sa taong nakaisip na gumawa ng kalendaryo. Alam nyo kung bakit? Ito ang mga dahilan :
  • Hindi mo malilimutan ang kailangan mong gawin
  • Nakikita mo ang mga araw na lumipas
  • Nakikita mo ang mga buwan na ang lumipas
  • Nakikita mo ang mga taon na lumipas
  • Nagkaroon kayo ng anniversary ng mahal mo
  • Kung walang kalendaryo, walang pagdiriwang sa mundong ibabaw
  • At higit sa lahat, nagkaroon ka ng kaarawan
Maaaring tulad sya ng isang orasan. Inimbento sya at ginawa ng may dahilan. Tulad ng orasan, kaya sya nagawa at naimbento dahil may gustong iparating na mensahe ito para sa atin. Na ang bawat pagpatak ng segundo ay mahalaga, ginto. Kapares din ng kalendaryo. Nagawa upang ipaalala satin na bawat araw ay mahalaga. Na bawat araw sa mundong ito ay kailangan mong punuin ng pagmamahal ang puso mo at magpasaya ng ibang tao. Ipinapaalala ng kalendaryo na sa bawat araw, buwan, taon na lumilipas ay hindi mo pwedeng sayangin. Kung napapansin nyo ang bilis ng panahon ngayon. Hindi katulad dati na parang napakabagal at ang dami nating nagagawa sa isang araw. Hindi ko alam pero parang ganito ang pakiramdam ko. 
Sulitin ang bawat pagkakataon sa buhay na darating. Maikli lang ang buhay.