THE TAXI DRIVER AND THE PASSENGER’S DIALOGUE: Halo Halong Kwento

Taxi Driver: “Ayang pilay na yan, sampung taon ko ng nakikitang pagala gala dito sa Cubao yan. Naging driver na ako ng truck, taxi, jeep at taxi ulit pero heto pa rin sya’t nakikita ko dito.”

Passenger: “Talaga Manong, ang tagal nya na palang nanlilimos dito, ayan bang pilay na yan?!?”

Taxi Driver: “Oo, di ko nga mawari kung pano nabubuhay yan, simula ng unang kita ko dyan, ganyan na ang itsura nya..”

Passenger: “Hindi pa rin sya kinukupkop ng gobyerno, pero tignan nyo naman, kung sa sampung taon na syang ganyan ibig sabihin nakakasurvive sya..”

Taxi Driver: “Malamang kasi hindi naman magtatagal yan dito kung hindi sya kumikita sa panlilimos. Minsan nga iniisip ko totoo bang pilay yan o kaya na istroke, oh baka naman arte lang nya yan kasi dyan sya nabubuhay..”

Passenger: “Posible nga yun!”

Taxi Driver: “Meron pang isa dati, pilay din. Naawa ako kaya bawat daan ko binibigyan ko sya ng sampung piso. Pero nung napadaan ako sa fly over nakita ko syang nakikipagsugal dun, simula noon hindi ko na sya binigyan ulit.

Passenger: “Ang bait nyo naman Manong, pero tama nga yung hindi nyo na sya binigyan kasi inaabuso nalang kayo. Imbes na sa pagkain napupunta pinansusugal nya lang pala.

Taxi Driver: pag nakikita nga ako nun, lalapit yun agad, pero simula ng nakita ko syang magsugal hindi ko na sya binigyan.”

Passenger: “tsk tsk, abusado talaga yung ibang taong ganyan..”

Taxi Driver: “ Marami talagang mapagsamantalang tao. Dati nga nabiktima ako ng Zesto gang dito din sa Cubao, matagal na yun eh, kasama ko pa nga ata yung Girlfriend ko nun.”

Passenger: “ano po iyun, anong ginagawa nila?!

Taxi Driver: “Sindikato daw yun. Pag akyat naming ng bus, may mamang nagtanong, ‘Ilan kayo?!’ sumagot ako sabi ko apat. Tapos bigla nyang pinagtutusok ng straw yung mga zesto na bitbit nya. Sabi nya bente lahat. Nabigla ako kasi hindi nman kami bumili, eh ang katwiran nya sumagot daw ako ng apat kaya apat yung binigay nya sa amin. Sabi ko sumagot ako ng apat kasi akala ko konduktor ka!”

Passenger: “Loko yun ha..”

Taxi Driver: “Binulungan ako ng konduktor.” Bayaran ko nalang daw yun kasi may mga kasama pang iba yun, baka daw kung anong gawin sa akin. Mga sindikato daw kasi yun. Kahit na masama sa loob ko, binayaran ko nalang kesa mapahamak pa kami, tutal limampiso lang naman ang Zesto nun..”

Passenger: “Parang alam ko na yan, hindi ba’t na TV po yan dati?!”

Taxi Driver: “Tama ayun nga yun. May isa pa akong experience nun, sindikato din. Yung gumagawa ng letra, piso ata bawat letra. Eh umabot ng isandaang piso yung ginawa nya sa akin, hindi naman ako nagpagawa. Bibigyan daw ako ng discount, 80 pesos nalang daw.

Passenger: “Kinuha nyo po?”

Taxi Driver: “Hindi, di ko kinuha. Di ko naman inorder yun eh. Malalakas mga loob ng mga yun kasi may mga backer yun.

Passenger: “Hindi ba hinuhuli ng pulis?!”

Taxi Driver: “ Hindi nga eh, sa pananaw ko mga bata din sila ng pulis kaya ganun nalang kung mansamantala. Hindi naman magkakalakas ng loob yun kung wala silang malakas na kapit..”

Passenger: “Pwede din!”

Taxi Driver: “Tumirik siguro yang truck na yan, ayun may manghihila..”

Passenger: “diba ho bawal ng mangtow ang mga private towing company?!”

Taxi Driver: “Kaya nga, abusado yang mga yan, nagkamalas malas kana nga’t natirikan ng sasakyan, magbabayad kappa kapag nahila. Mabuti na rin at naisakatuparan na tanging MMDA na lamang ang pwedeng humila kasi abusado yang mga pribadong towing agency.”

Passenger: "Maiba tayo Manong, sino bang iboboto nyo sa eleksyon?!"

Taxi Driver: “Wala pag inilalabas kung sinong iboboto namin..”

Passenger: “Iglesia ho ba kayo?!”

Taxi Driver: “Oo, mga isang lingo bago ang eleksyon bago maglabas ng kandidatong susuportahan namin. Kami naman kasi talaga nagkakaisa, pinag aaralang mabuti yan ng mga lokal namin at mismong sa pinuno kaya’t garantisadong maayos ang kandidatong pipiliin ng pinuno namin..”

Passenger: “Ako sa nakikita ko, yung talagang nakitaan na may nagawa, si Gordon at Bayani. Nakita nyo naman, yung sa SBMA, nalahar yun diba?! Pero nung si Gordon na ang namahala, naibangon nya yun, ang daming trabahong nabigay sa mga tao. Si Bayani naman, nadisiplina nya ang Metro Manila, ayun yung hindi nangurakot, ang dami nyang nabiling mga truck at iba pang materyales sa pagpapaunlad ng Metro Manila. Para sakin lang naman manong marami na silang nagawa..”

Taxi Driver: “Oo nga naman, pupwede rin. Baka pagnanalo sila gawin din nila sa buong Pilipinas yun, maganda nga pag ganun ang nangyari..”

Passenger: “ Mahusay kasi sila pagdating sa pagdidisiplina..”

Taxi Driver: “ Si Erap sana mahusay, kaso pinaliligiran din ng mga advisers. Nabalitan mo ba yung nahuli syang nagcacasino, nakuhaan ng video.. Biruin mo, presidente sya ng Pilipinas tapos nahuling nagsusugal. Hindi nya ba naman naisip na may nakapalibot na camera sa Casino o kaya maaring may kumuha ng video sa kanya kasi nga prominente syang tao. Dapat inalagaan nalang nya ang posisyon nya..”

Passenger: “Pag nanalo yang si Erap, sususlpot siguro si Lacson, bata rin yun ni Erap eh..”

Taxi Driver: “Totoo namang may kinalaman yun sa pagpatay dun sa PR man.. Kasi bakit ngayon naglaho nalang sya, bigla nalang nawala..”

Passenger: “ Kaya nga eh, silence means guilty..”

Taxi Driver: Pag itong si Noynoy nanalo, mapapaligiran din yan ng mga advisers nya.. masusulsulan din sya.. sabihin na nating hindi sya magnanakaw, pero tiyak yung mga advisers nya ayun ang kakamkam ng yaman ng Pilipinas..”

Passenger: “Mahusay manong, maari ngang ganoon ang mangyari..”

Taxi Driver: “ Itong si Villar kayang kaya nyang bayaran ang mga Tao para iboto sya. Naransan ko na yun nung nasa Cordona, Rizal pa ako. Biruin mo tulog na kami nun, ayun yung gabi bago ang eleksyon. Talagang ginapang kami, may binigay na papel, pagbukas naming eh may lamang dalawang daan..”

Passenger: “Pero paano po kaya nila malalaman kung talagang iboboto nyo sila?!”

Taxi Driver: “ Kilala nila yung mga taong binayaran nila, pwede ding yung watcher sisilip sa pagboto mo.. Diba Taguig kayo?! Pag dalawang lalaki na papuntang signal hindi ko sinasakay pwede din naming hanggang dun lang talaga sa Gate ng FTI, minsan naman pinapasok ko din pero yung pasahero na mismo ang magsasabi na ilock ko lahat ng pinto at huwag na huwag akong hihinto..”

Pasenger: "Hindi naman po kami aabot dun banda dun, dito lang po kami sa bungad sa may Caltex.. Nakakatakot nga po talaga dun sa may Maharlika..”

Taxi Driver: “ Mga Muslim kasi, ang tatapang, bigla nalang mambabato, yung iba nga hinoholdap pa ang taxi, mlakas lang talaga ang loob nila kasi teritoryo nila yun..”

Passenger: “ Maski nga kami taga dito na kami sa Taguig ha hindi kami gumagawi dyan, iwas nalang baka mapahamak pa..”

Taxi Driver: “Tama! Marami talagang maloko sa mundo. Hindi mo na malalaman ngayon kung sinong masama at mabuti..”

Passenger: “Minsan nga kung sino pang mukhang mabuti ayun pa yung gumagawa ng masama.. Pakiderecho nalang po kaunti dyan sa bandang unahan ng Caltex.. Kulang ang oras ng byaheng Cubao hanggang Taguig sa usapan natin Manong! Heto po ang bayad.. Salamat po.. “

Taxi Driver: “Salamat din..”

Passenger: Ingat po kayo..”

0 comments:

Post a Comment