Simula nung nakita ko sya sa neighborhood noong 2003 parang may iba sa kanya. Tandang tanda ko pa yung itsura nya, yung buhok nya noon, yung white t-shirt nyang suot kapag nag iiskateboard sya, yung mga galaw at kilos nya, at yung pwesto nya sa labas kapag tumatambay na sya. Pinagmamasdan ko lang yung lalakeng yun mula sa malayo. Wala syang kaalam alam na nakakapagpangiti na pala sya ng isang tao, napapasaya na nya ako. I still remember na madalas ko syang napapanaginipan, weird no? pero maski ako di ko alam yung dahilan. Sya yung lalakeng hinahanap hanap ko kapag lumalabas ako ng bahay.
May mga pagkakataon pa nga na hindi ako makatulog noon kasi lagi syang pumapasok sa isip ko. Hindi lang paghanga or pagmamahal ang nararamdaman ko, parang mas malalim pa dun. Yung huhugutin mo pa mula sa sentro ng puso mo para lang makita mo yung sagot sa mga tanong mo pero napakahirap ng sitwasyon ko kasi ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko. Alam kong wala namang makakaintindi sa akin kaya itinago ko na lang sa sarili ko ang lahat.
Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana, hindi ko alam na sa school ko din pala sya nag aaral. Madalas ko syang nakikita dun, nagkakasalubong kami ngunit hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makapag-usap. Kahit gusto kong iparating sa kanya kung anong dinudulot nya sa akin, hindi ko magawa. Nahihiya din naman akong lapitan yung taong hindi naman ako kaclose. Lalo lang tuloy akong pinanghinaan ng loob.
Dahil nga nakikita ko naman na parang wala ring pupuntahan kung ano man ang nararamdaman ko, ibinaling ko nalang ang attention ko sa iba. Naging busy na rin ako sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko noon kaya't unti- unti ko na rin naman syang nakakalimutan. Medyo matagal tagal na rin naman yun pero may mga times na naiisip ko pa rin sya di na nga lang tulad ng dati pero may puwang pa rin sya sa puso ko, sinubukan ko na lang talagang kalimutan sya.
Pero pagkatapos ng anim na taon, sa hindi ko rin inaasahang pagkakataon nagkaroon kami ng komunikasyon. Parang biglang bumalik kung ano mang naramdaman ko sa kanya. Ewan ko ba, pero parang nagbibiro ang tadhana. Yung lalaking pinipilit kong kalimutan ay heto kasama ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kailangan this time wala na akong sasayanging oras. Naniniwala ako na may dahilan kung bakit nagkatagpo kaming muli. Hindi ko na rin naman pinalampas yung pagkakataon kaya binitiwan ko ang dapat bitawan para maiayos ko lahat.
Sa simula pa lamang ipinakita ko na yung pagmamahal na nararamdaman ko, hindi ko man deretsahang sinabi sa kanya, unti unti ko namang pinaparamdam kahit alam kong maaari akong masaktan. Kumbaga sumusugal na ako dahil hindi ko naman alam kung may patutunguhan ba ito, pero wala na akong pakialam. Ayaw kong sayangin yung pagkakataong pinalampas ko dati. Wala akong magagawa, iba talaga kapag mahal mo yung isang tao kahit hindi ka sigurado, gagawin mo pa din kasi nga pinipili mo lang kung saan ka liligaya.
Napakabait talaga ng Diyos, binigyang pahintulot nya na mahalin ako sa wakas ng taong halos anim na taon kong pinangarap, anim na taon kong hinintay, anim na taon kong hinanapan ng sagot at anim na taong tunay na laman ng puso ko. Totoo nga yung sabi ng marami, ang bawat tao daw ay may "one great love." Totoo din pala yung destiny, kasi yung tadhana yung naglayo noon at sya rin yung nagbalik kahit gaano man katagal ang inabot.
Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito kasi dati tinatanaw ko lang sya mula sa malayo. Umaasa lang ako dati na mapansin nya, pero ngayon madalas ko na syang kasa kasama. May mga pagkakataon pa ngang gusto ko lang syang titigan, kampante na ako basta alam kong andyan lang sya. Ang sarap sarap kasi ng pakiramdam kapag yung taong pinangarap mo ng napakatagal ay napasaiyo na. Simple lang naman kasi , wag nalang maghanap dahil kusa namang darating yung kaligayahan ng isang tao basta marunong lang maghintay. Minsan pa nga sa mga di inaasahang pagkakataon pa nangyayari.
Masaya ako na maayos kami ngayon, walang masyadong pressure. Kapag andyan sya parang masaya na ako habambuhay. Ngayon mas lalo ko pa syang nakikilala ng husto. Sa bawat araw na nagdaraan mas nagiging malakas ako dahil alam kong lagi syang nasa likod ko para umalalay. Isa sya sa mga bagay na patuloy kong pinagpapasalamat sa Panginoon. Hinihiling ko lagi na mapagtagumpayan namin lahat ng mga pagsubok na darating. Pinanghahawakan ko yung pagmamahal nya sa akin, at iyon ang lubusang nagpapatatag sa akin sa araw araw.

0 comments:
Post a Comment