A Birthday Surprise for Him

I just want him to be happy and inviting his friends from College and High School in a Surprise Party was the thing that I did!

I just love him so much, all I really need to see is the happiness from his face, that's all, nothing more, nothing less..

I always want the best for him. I always pray about the things that he wants to achieve in life, and I know in time God will finally set His plans for him.

It ended well and I just wanna thank those people who cooperated and joined the party.

Till next time..

with his College barkada

friends friend...

The Banner

the four boys (from high school)

his wackiest.. :)




I love this picture! :)

THE TAXI DRIVER AND THE PASSENGER’S DIALOGUE: Halo Halong Kwento

Taxi Driver: “Ayang pilay na yan, sampung taon ko ng nakikitang pagala gala dito sa Cubao yan. Naging driver na ako ng truck, taxi, jeep at taxi ulit pero heto pa rin sya’t nakikita ko dito.”

Passenger: “Talaga Manong, ang tagal nya na palang nanlilimos dito, ayan bang pilay na yan?!?”

Taxi Driver: “Oo, di ko nga mawari kung pano nabubuhay yan, simula ng unang kita ko dyan, ganyan na ang itsura nya..”

Passenger: “Hindi pa rin sya kinukupkop ng gobyerno, pero tignan nyo naman, kung sa sampung taon na syang ganyan ibig sabihin nakakasurvive sya..”

Taxi Driver: “Malamang kasi hindi naman magtatagal yan dito kung hindi sya kumikita sa panlilimos. Minsan nga iniisip ko totoo bang pilay yan o kaya na istroke, oh baka naman arte lang nya yan kasi dyan sya nabubuhay..”

Passenger: “Posible nga yun!”

Taxi Driver: “Meron pang isa dati, pilay din. Naawa ako kaya bawat daan ko binibigyan ko sya ng sampung piso. Pero nung napadaan ako sa fly over nakita ko syang nakikipagsugal dun, simula noon hindi ko na sya binigyan ulit.

Passenger: “Ang bait nyo naman Manong, pero tama nga yung hindi nyo na sya binigyan kasi inaabuso nalang kayo. Imbes na sa pagkain napupunta pinansusugal nya lang pala.

Taxi Driver: pag nakikita nga ako nun, lalapit yun agad, pero simula ng nakita ko syang magsugal hindi ko na sya binigyan.”

Passenger: “tsk tsk, abusado talaga yung ibang taong ganyan..”

Taxi Driver: “ Marami talagang mapagsamantalang tao. Dati nga nabiktima ako ng Zesto gang dito din sa Cubao, matagal na yun eh, kasama ko pa nga ata yung Girlfriend ko nun.”

Passenger: “ano po iyun, anong ginagawa nila?!

Taxi Driver: “Sindikato daw yun. Pag akyat naming ng bus, may mamang nagtanong, ‘Ilan kayo?!’ sumagot ako sabi ko apat. Tapos bigla nyang pinagtutusok ng straw yung mga zesto na bitbit nya. Sabi nya bente lahat. Nabigla ako kasi hindi nman kami bumili, eh ang katwiran nya sumagot daw ako ng apat kaya apat yung binigay nya sa amin. Sabi ko sumagot ako ng apat kasi akala ko konduktor ka!”

Passenger: “Loko yun ha..”

Taxi Driver: “Binulungan ako ng konduktor.” Bayaran ko nalang daw yun kasi may mga kasama pang iba yun, baka daw kung anong gawin sa akin. Mga sindikato daw kasi yun. Kahit na masama sa loob ko, binayaran ko nalang kesa mapahamak pa kami, tutal limampiso lang naman ang Zesto nun..”

Passenger: “Parang alam ko na yan, hindi ba’t na TV po yan dati?!”

Taxi Driver: “Tama ayun nga yun. May isa pa akong experience nun, sindikato din. Yung gumagawa ng letra, piso ata bawat letra. Eh umabot ng isandaang piso yung ginawa nya sa akin, hindi naman ako nagpagawa. Bibigyan daw ako ng discount, 80 pesos nalang daw.

Passenger: “Kinuha nyo po?”

Taxi Driver: “Hindi, di ko kinuha. Di ko naman inorder yun eh. Malalakas mga loob ng mga yun kasi may mga backer yun.

Passenger: “Hindi ba hinuhuli ng pulis?!”

Taxi Driver: “ Hindi nga eh, sa pananaw ko mga bata din sila ng pulis kaya ganun nalang kung mansamantala. Hindi naman magkakalakas ng loob yun kung wala silang malakas na kapit..”

Passenger: “Pwede din!”

Taxi Driver: “Tumirik siguro yang truck na yan, ayun may manghihila..”

Passenger: “diba ho bawal ng mangtow ang mga private towing company?!”

Taxi Driver: “Kaya nga, abusado yang mga yan, nagkamalas malas kana nga’t natirikan ng sasakyan, magbabayad kappa kapag nahila. Mabuti na rin at naisakatuparan na tanging MMDA na lamang ang pwedeng humila kasi abusado yang mga pribadong towing agency.”

Passenger: "Maiba tayo Manong, sino bang iboboto nyo sa eleksyon?!"

Taxi Driver: “Wala pag inilalabas kung sinong iboboto namin..”

Passenger: “Iglesia ho ba kayo?!”

Taxi Driver: “Oo, mga isang lingo bago ang eleksyon bago maglabas ng kandidatong susuportahan namin. Kami naman kasi talaga nagkakaisa, pinag aaralang mabuti yan ng mga lokal namin at mismong sa pinuno kaya’t garantisadong maayos ang kandidatong pipiliin ng pinuno namin..”

Passenger: “Ako sa nakikita ko, yung talagang nakitaan na may nagawa, si Gordon at Bayani. Nakita nyo naman, yung sa SBMA, nalahar yun diba?! Pero nung si Gordon na ang namahala, naibangon nya yun, ang daming trabahong nabigay sa mga tao. Si Bayani naman, nadisiplina nya ang Metro Manila, ayun yung hindi nangurakot, ang dami nyang nabiling mga truck at iba pang materyales sa pagpapaunlad ng Metro Manila. Para sakin lang naman manong marami na silang nagawa..”

Taxi Driver: “Oo nga naman, pupwede rin. Baka pagnanalo sila gawin din nila sa buong Pilipinas yun, maganda nga pag ganun ang nangyari..”

Passenger: “ Mahusay kasi sila pagdating sa pagdidisiplina..”

Taxi Driver: “ Si Erap sana mahusay, kaso pinaliligiran din ng mga advisers. Nabalitan mo ba yung nahuli syang nagcacasino, nakuhaan ng video.. Biruin mo, presidente sya ng Pilipinas tapos nahuling nagsusugal. Hindi nya ba naman naisip na may nakapalibot na camera sa Casino o kaya maaring may kumuha ng video sa kanya kasi nga prominente syang tao. Dapat inalagaan nalang nya ang posisyon nya..”

Passenger: “Pag nanalo yang si Erap, sususlpot siguro si Lacson, bata rin yun ni Erap eh..”

Taxi Driver: “Totoo namang may kinalaman yun sa pagpatay dun sa PR man.. Kasi bakit ngayon naglaho nalang sya, bigla nalang nawala..”

Passenger: “ Kaya nga eh, silence means guilty..”

Taxi Driver: Pag itong si Noynoy nanalo, mapapaligiran din yan ng mga advisers nya.. masusulsulan din sya.. sabihin na nating hindi sya magnanakaw, pero tiyak yung mga advisers nya ayun ang kakamkam ng yaman ng Pilipinas..”

Passenger: “Mahusay manong, maari ngang ganoon ang mangyari..”

Taxi Driver: “ Itong si Villar kayang kaya nyang bayaran ang mga Tao para iboto sya. Naransan ko na yun nung nasa Cordona, Rizal pa ako. Biruin mo tulog na kami nun, ayun yung gabi bago ang eleksyon. Talagang ginapang kami, may binigay na papel, pagbukas naming eh may lamang dalawang daan..”

Passenger: “Pero paano po kaya nila malalaman kung talagang iboboto nyo sila?!”

Taxi Driver: “ Kilala nila yung mga taong binayaran nila, pwede ding yung watcher sisilip sa pagboto mo.. Diba Taguig kayo?! Pag dalawang lalaki na papuntang signal hindi ko sinasakay pwede din naming hanggang dun lang talaga sa Gate ng FTI, minsan naman pinapasok ko din pero yung pasahero na mismo ang magsasabi na ilock ko lahat ng pinto at huwag na huwag akong hihinto..”

Pasenger: "Hindi naman po kami aabot dun banda dun, dito lang po kami sa bungad sa may Caltex.. Nakakatakot nga po talaga dun sa may Maharlika..”

Taxi Driver: “ Mga Muslim kasi, ang tatapang, bigla nalang mambabato, yung iba nga hinoholdap pa ang taxi, mlakas lang talaga ang loob nila kasi teritoryo nila yun..”

Passenger: “ Maski nga kami taga dito na kami sa Taguig ha hindi kami gumagawi dyan, iwas nalang baka mapahamak pa..”

Taxi Driver: “Tama! Marami talagang maloko sa mundo. Hindi mo na malalaman ngayon kung sinong masama at mabuti..”

Passenger: “Minsan nga kung sino pang mukhang mabuti ayun pa yung gumagawa ng masama.. Pakiderecho nalang po kaunti dyan sa bandang unahan ng Caltex.. Kulang ang oras ng byaheng Cubao hanggang Taguig sa usapan natin Manong! Heto po ang bayad.. Salamat po.. “

Taxi Driver: “Salamat din..”

Passenger: Ingat po kayo..”

Pagkatapos ng Anim na Taon

Simula nung nakita ko sya sa neighborhood noong 2003 parang may iba sa kanya. Tandang tanda ko pa yung itsura nya, yung buhok nya noon, yung white t-shirt nyang suot kapag nag iiskateboard sya, yung mga galaw at kilos nya, at yung pwesto nya sa labas kapag tumatambay na sya. Pinagmamasdan ko lang yung lalakeng yun mula sa malayo. Wala syang kaalam alam na nakakapagpangiti na pala sya ng isang tao, napapasaya na nya ako. I still remember na madalas ko syang napapanaginipan, weird no? pero maski ako di ko alam yung dahilan. Sya yung lalakeng hinahanap hanap ko kapag lumalabas ako ng bahay.

May mga pagkakataon pa nga na hindi ako makatulog noon kasi lagi syang pumapasok sa isip ko. Hindi lang paghanga or pagmamahal ang nararamdaman ko, parang mas malalim pa dun. Yung huhugutin mo pa mula sa sentro ng puso mo para lang makita mo yung sagot sa mga tanong mo pero napakahirap ng sitwasyon ko kasi ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko. Alam kong wala namang makakaintindi sa akin kaya itinago ko na lang sa sarili ko ang lahat.

Pero parang pinaglalaruan ako ng tadhana, hindi ko alam na sa school ko din pala sya nag aaral. Madalas ko syang nakikita dun, nagkakasalubong kami ngunit hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makapag-usap. Kahit gusto kong iparating sa kanya kung anong dinudulot nya sa akin, hindi ko magawa. Nahihiya din naman akong lapitan yung taong hindi naman ako kaclose. Lalo lang tuloy akong pinanghinaan ng loob.

Dahil nga nakikita ko naman na parang wala ring pupuntahan kung ano man ang nararamdaman ko, ibinaling ko nalang ang attention ko sa iba. Naging busy na rin ako sa pag-aaral at sa mga kaibigan ko noon kaya't unti- unti ko na rin naman syang nakakalimutan. Medyo matagal tagal na rin naman yun pero may mga times na naiisip ko pa rin sya di na nga lang tulad ng dati pero may puwang pa rin sya sa puso ko, sinubukan ko na lang talagang kalimutan sya.

Pero pagkatapos ng anim na taon, sa hindi ko rin inaasahang pagkakataon nagkaroon kami ng komunikasyon. Parang biglang bumalik kung ano mang naramdaman ko sa kanya. Ewan ko ba, pero parang nagbibiro ang tadhana. Yung lalaking pinipilit kong kalimutan ay heto kasama ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kailangan this time wala na akong sasayanging oras. Naniniwala ako na may dahilan kung bakit nagkatagpo kaming muli. Hindi ko na rin naman pinalampas yung pagkakataon kaya binitiwan ko ang dapat bitawan para maiayos ko lahat.

Sa simula pa lamang ipinakita ko na yung pagmamahal na nararamdaman ko, hindi ko man deretsahang sinabi sa kanya, unti unti ko namang pinaparamdam kahit alam kong maaari akong masaktan. Kumbaga sumusugal na ako dahil hindi ko naman alam kung may patutunguhan ba ito, pero wala na akong pakialam. Ayaw kong sayangin yung pagkakataong pinalampas ko dati. Wala akong magagawa, iba talaga kapag mahal mo yung isang tao kahit hindi ka sigurado, gagawin mo pa din kasi nga pinipili mo lang kung saan ka liligaya.

Napakabait talaga ng Diyos, binigyang pahintulot nya na mahalin ako sa wakas ng taong halos anim na taon kong pinangarap, anim na taon kong hinintay, anim na taon kong hinanapan ng sagot at anim na taong tunay na laman ng puso ko. Totoo nga yung sabi ng marami, ang bawat tao daw ay may "one great love." Totoo din pala yung destiny, kasi yung tadhana yung naglayo noon at sya rin yung nagbalik kahit gaano man katagal ang inabot.

Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito kasi dati tinatanaw ko lang sya mula sa malayo. Umaasa lang ako dati na mapansin nya, pero ngayon madalas ko na syang kasa kasama. May mga pagkakataon pa ngang gusto ko lang syang titigan, kampante na ako basta alam kong andyan lang sya. Ang sarap sarap kasi ng pakiramdam kapag yung taong pinangarap mo ng napakatagal ay napasaiyo na. Simple lang naman kasi , wag nalang maghanap dahil kusa namang darating yung kaligayahan ng isang tao basta marunong lang maghintay. Minsan pa nga sa mga di inaasahang pagkakataon pa nangyayari.

Masaya ako na maayos kami ngayon, walang masyadong pressure. Kapag andyan sya parang masaya na ako habambuhay. Ngayon mas lalo ko pa syang nakikilala ng husto. Sa bawat araw na nagdaraan mas nagiging malakas ako dahil alam kong lagi syang nasa likod ko para umalalay. Isa sya sa mga bagay na patuloy kong pinagpapasalamat sa Panginoon. Hinihiling ko lagi na mapagtagumpayan namin lahat ng mga pagsubok na darating. Pinanghahawakan ko yung pagmamahal nya sa akin, at iyon ang lubusang nagpapatatag sa akin sa araw araw.

Shattered Day by Day


A perfect relationship isn't ever actually perfect, it's just one where both people never give up.
In my mind, I have always think that love has always been enough. And a lot of times, I have proved myself wrong for believing in such kind of perspective. Nevertheless, I am still hoping for a happy, fairy tale ending. Wishing that everything is only a part of my imaginative world where I am the princess waiting to be saved by my prince. Somehow, things have been difficult as each day passes by.
Moreover, things are different in the real world. Happy endings only happen in the "other world". Living like a martyr was a product of the past. Right now, quitters and dorks rule over our world where promises are always meant to be broken. Sadness, will forever occur my heart. For you have always been giving up on me.
 "If time comes that destiny will take you away from me, I will gladly let you go. But do not worry, I'll be just around the corner, ready to catch you each time you fall."

Sarap sa Dampa!

Foodtrip ang hanap namin kagabi, kumain sa Dampa ng seafoods. Lakad dito lakad dyan, pili pili ng makakainan. Sa sobrang dami kasi ng mga resto ang hirap mamili kung saan ba okay magdinner. Andyan yung sasalubungin ka pa ng mga staff nila to convince you to see their menu, pero nakakairita sila sa totoo lang, parang "di kayo nakakatuwa, sobra naman yang pag ka acommodating nyo!!" 

Naglakad ulit kami to the other row naman and we found "Sis." Napansin namin na hindi masyadong matao and maganda yung ambiance so it's really a good place to spend the dinner so we can also talk. Pamalengke ng food na iluluto, hipon na medium size and halaan ( most people say na aprodisiac daw ito, ahehe). The main course: GINATAANG HIPON AT SINABAWANG HALAAN. 

Talk talk muna while we're waiting for our food. Walang humpay na kumustahan at sermon ang inabot ko sa kanya, nawala kasi fone ko at hindi na naman daw ako naging maingat. Siguro totoo nga, maybe kailangan ko pang bigyan ng extra care kung ano man ang mayroon ako ngayon. Well, back to the food, AYAN NA! 

Itsura palang ng pagkain nabubusog na ako at lalo pa nung tinikman ko. Sobrang sarap talaga! Bat di nyo itry?! I'll give them an "A" sa pagluluto ng ganun kasarap.

What I love most about that place?! may trio na kumakanta and tumutugtog. So soothing kasi mga oldies hits ang kinakanta nila so mas lalong masarap kumain. Until lumapit sila sa amin to sing. Nag uumapaw ako sa kasiyahan when they sing the song "Till There Was You" ng Beatles, ewan ko ba siguro sadyang hopeless romantic lang talaga ako kaya OA yung kaligayahan ko. Masaya talaga coming from my heart. 

Then nirequest nya yung "Kahit Maputi na ang Buhok Ko" Halos malaglag na talaga ako sa kinauupuan ko sa sobrang tuwa, ahaha. Yung kanta kasing yun, parang dun nagsimula ang lahat. First time ko atang ma encounter yung ganun ka-romantic na set-up ng dinner

Nakakatuwa kasi they sang the 2 songs na gusto namin.Kung sinuswerte nga naman talaga kami. Balik na ulit kami sa pagkain after nilang kumanta at hindi pa din ako maka get over dun sa moment na yun.

Hindi na namin kinayang ubusin yung food, ang dami kasi talaga and we're only 2. Take out nalang para hindi masayang. Ang sarap balikan nung lugar, kasi we didn't see any flaws sa service nila and sobrang nag enjoy kami.

Pero sa totoo lang, balewala naman lahat ng iyan kung di ko sya kasama. Mas masarap kasing ibahagi ang ganoong pagkakataon sa taong minamahal kase it's not really the food nor the song ang nagpasaya sa akin ng sobra, it's the fact na he's with me to share that wonderful moments. Jackpot nalang na maituturing yung food at trio na kumanta na lalong nagpaganda ng gabi namin.