Wala kahit ano mang maaring tumumbas sa lalim at tindi ng mga napagsamahan namin.. Alam kong napakaraming maaring dumating na mga pagsubok, gaya nga ng sabi nya ay sana’y mapagdaanan namin iyon ng parang wala lang, na may matututunan kami sa bawat pagsubok na dumaraan.. Ang susi lang naman kasi sa para masolusyunan ang isang problema ay ang makinig sa isa’t isa at sa tiwalang ang nararamdaman mo sa puso mo ang kailangan mong sundin para lumigaya ka.. Minsan kasi puro utak ang ginagamit natin, oo nga’t di ka naging malungkot nung ginamit mo ang utak mo pero ang matinding tanong doon ay naging masaya ka ba?
Marami ngang nagsasabi na puro nalang daw ako pagmamahal, di ko naman na kailangang ipaliwanag sa kanila kung bakit, ang alam ko masaya ako dito sa sinasabi nilang puro pagmamahal nalang.. Hindi ba nila kayang maging masaya nalang para sa akin dahil nagyon ko lang naramdaman ito? wala naman kasing masama doon basta’t wala akong napapabayaan at masaya ako’t natuto din akong magbalanse ng oras at prayoridad ko sa buhay.. Ang alam ko isa sya sa napakalaking parte na bumubuo sa akin, kaya’t punong puno ang puso ko ng pagmamamhal para sa kanya..
Lagi akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagbibigay nya ng isang taong magbibigay saya at magmamahal sa akin.. Mabait pa din ang Diyos sa akin, binigay nya kung ano ang kailangan ko.. Isang taong magmumulat sa akin kung gano kasarap mabuhay at magmahal.. Sa pamamagitan ng kanyang tawa, lagi akong nabubuhayan sapagkat kahit matindi ang problema nya, hindi mo ito mahahalata sa kanya.. Napakapositibo nya sa pagharap sa buhay.. Ayan ang gusto ko ding matutunan.. Alam kong hindi perpekto ang love story namin pero masasabi ko namang isa ito sa maipagmamalaki ko balang araw na maari kong ibahagi sa mga taong nais magmahal..
0 comments:
Post a Comment