Ang Pag-Ibig sa Palagay Ko...



Produkto ng kawalan ng solidong konsepto ng sariling damdamin at pag-iisip, kaya naman masaya ako ngayong pagnilayan ang lahat ng akala kong nagaganap sa magulo kong puso, na sa totoo lang at kung usapang teknikal ay aking utak din naman, ay bunga lamang at parte ng  pagkakaroon ko ng malikhaing isipan. 

Ang pag-ibig sa palagay ko, bago pa maging kung ano mang kumplikadong bagay, tulad ng kung paano sa iba ito'y tila hangin na bawat singhap ay para ka mabuhay o ang isang patak ay lasong nakamamatay, ay nagsisimula muna, unang una sa pagiging isang konkreto at di matitibag na desisyon. Na maling isiping ang kondisyon ng pagka-aning gawa ng pagkahumaling sa kapwa ay isang kagilagilalas ngunit simpleng damdamin na ni ang pinakamaaalam, mahuhusay at malalakas ay hindi matatakasan. 

Ang pag-ibig ay pagyakap at pagsuko sa katotohanang ang piguratibo mong puso ay hindi na maaaring sa'yo na lamang..

Ang pag-ibig ay ang hindi paglaban sa panggagahasa sa'yo ng isanlibo't isang barkadahan ng kanyang mga kapintasan..

Ang pag-ibig ay panlilinlang sa lahat, maging pati sa sarili..

Ang pag-ibig ay pagpapakalango sa kabuuan ng 'yong mahal..

Ang pag-ibig ay pagkain ng alimangong bading o pag-inom ng aspirin, kahit pa mamaga, kumirat, mangati, di makahinga't mapraning..