Naranasan Mo Na Bang...

magimagine ng kung ano anong images sa gulo gulong patterns ng tiles sa banyo?

magkunwaring di alam na may pila at nambox-out ng iba para mauna?

kutkutin ang kalyo mo sa paa gamit ang mga kuko mo sa kamay?

magbalik ng nahulog na hotdog sa sahig saka niluto ulet?

magwalis at itago yung dumi sa ilalim ng sofa?

maihi sa katatawa?

tumanga sa langit at maghintay ng bulalakaw?

makipagtitigan sa araw?

makaapak ng tae at ideny na ikaw yon?

testingin kung meron kang ka-telepathy sa mga kasakay mo sa jeep.

umarteng isa kang kung sinong successful na nagspeespeech?

lumayas ng madaling araw habang naka pyjama?

bumagsak sa isang subject kasi wala kang Bible?

magago at manggago ng dahil sa pag-ibig?

mag-isip ng masamang pangyayari sa buhay ng kaibigan?

magroundtrip sa LRT kasi punuan sabay pagbalik mo sa pinanggalingan mong station wala ng tao?

magpilay-pilayan sa LRT parin para makasakay sa first coach ng train?

gumawa ng sarili mong talk show?

humiga sa kalye habang umuulan?

umiyak sa gitna ng ulan para hindi mahalata ang luha?

mangakong titigil ng gumimiki kung makakarating ka lang sa tuktok ng nilalakad mong bundok?

masabihang "We cannot cross the line. Ayokong masira yung pagkakaibigan natin" bullshit?

mapanaginipang nakikipagsex sa crush mong celebrity?

maramdamang wala ka sa kung nasaan ka at hindi nagreregister sayo yung paligid?

magsinungaling at maniwala sa kasinungalingang ginawa mo?

maamaze sa crayon blowing?

umihi habang kinakawkaw yung tubig sa pool?

magmahal ng totoo? Yung walang pagsisisi, walang alinlangan, walang selfishness?





Lahat yan naranasan ko na.. Maliban sa isa.. :P