The Mystery Man

I chatted with a guy na kilala ko way back in 2003. Eversince kasi na nakikita ko sya sa neighborhood parang kakaiba sya, at madalas ko syang napapanaginipan, weird no? pero maski ako di ko alam kung bakit. He was the guy that I always looking for kapag lumalabas ako ng bahay. I have no idea kung bakit ko sya hinahanap hanap dati. May mga times pa nga na hindi ako makatulog noon kasi lagi syang pumapasok sa isip ko. Hindi admiration or love eh, parang mas malalim pa dun. Yung huhugutin mo pa mula sa center ng heart mo para lang makita mo yung sagot pero mahirap alamin kasi hindi naman kami nag uusap before.

I always saw him in school, dun nagkakasalubong kami madalas but we never talked. Lalong naging palaisipan sakin lahat and we never had any chnace na formally makapag usap. I really want to approach him to say hi, there’s something about him na parang super mysterious talaga na gusto kong malaman and I really want to find out kung ano bang nararamdaman ko sa guy na yun kasi ang weird talaga.

Ngayon siguro fate na yung nagdala samin na magkaroon ng communication para malaman ko na yung sagot sa mga katanungan ko. Medyo matagal tagal na rin naman yun pero may mga times na naiisip ko pa rin sya di na nga alng tulad ng dati. Pagkakataon ko na ngayon na makilala sya at malaman yung mystery behind the weird things na nangyari sakin noon.